Wednesday, February 15, 2012


Talambuhay ni Cecille Arida
Ako.
Ako si Cecille Arida, ang birthday ko po ay march 3, 1995, ang edad ko ay 16 year old na.  Nag-aaral po ako sa Col. Lauro D. Dizon MNHS.  Ako po ay isang 4th year highschool student.  Nakatira ako sa D.I Calihan San Francisco SPC na kung saan doon po ako pinalaki ng aking mga magulang.  Ang pangalan ng aking tatay ay si Emillio M. Arida at ang aking lola ay si Elena Marquez.  Wala nap o akong nanay dahil bata pa lamang ako ay naghiwalay na ang aking tatay at nanay kahit po wala na ang aking nanay hindi po ako nalulungkot, dahil nandito pa naman ang aking tatay at lola na sumosuporta sa akin.  At kami ay namumuhay ng maayos kasama po doon ang bunsong kapatid ni tatay na si Rowena Alveza at Roderick Alveza, sila ay kapatid sa ina lamang kaya magkakaiba sila ng apilido ng aking tatay, pero kahit ganoon ay nagmamahalan po sila parang tunay na magkakapatid. 
Ako po ay solong anak ng aking tatay itay pero kahit po ako mag isa hindi naman po ako nalulungko dahil may mga pinsan ako, nakapatid ni tatay na may anak na din, ang pangalan niya ay si Rosana A. Bustero na may anak na anim, sila ay sina Nharalyn, Nhorbin, Nhrisrine, Nhoriel, Niko, Nicole.  Sila ay aking mga pinsan.
Ako si Roze
Noong ako ay grade 1, madaming umaaway sa akin hanggang grade 4, pero hindi kosila pinapansin kasi pag pinansin pa ay lalo kapang aawayin.  At maamos pa akon tingnan at lagi po akong naglalaro na aking kaklase ng takbuhan at ako ay hated sundo ng aking lola at pag wala ang lola ko tatay ko ang sumusundo sa akin.  Pero noong grade 5 at 6 nabawasana ang pagkapasaway ko naglalaro man ako pero maayos ako at nilalaro ko pa noon ay Chinese garter kasi uso noon yun uso kasi yun pag recess namin, kamiy naglalaro na.  At noong nagdadalaga na ako ng kaunti lang pero may pagkaisip bata pa naman ako noon.  Dumating ang buwan ng marso ay nagtapos na kami ng elemantarya na kaming magkaklase kasi magkakahiwalay na kami, ang saya-saya ko noon kasi mag hi-highschool na ako.  Mamimis naming ang kulitan, tawanan, harutan sa loob at labas ng paaralan, pero hindi ko makalimutan ang nag kids prom kami noon, ang first dance ko kasi inabot niya ang kamay ko kaya ko siya naisayaw, ang saya noong araw ko noon.  Nahihiya pa nga ako kasi for the first time isinayaw din ako ng crush ko na ang pangalan ay si Marmel Suarez na ngayon ay napasok sa Liceo, ayon ang hinding-hindi ko makakalimutan hanggang ngayon, naaalala ko parin siya.
JS namin
Ang pangalan nga pala ng pinasukan kong school ay sa Ambray Elementary School, madami akong naiwan na mga memories ko na hindi ko makaklimutan.
Nagpa enroll na ako sa HighSchool sa Col. Lauro D. Dizon MNHS.  First time kong pumasok sa paaralan na yun at hindi ko alam ang pasikot-sikot at pagkatapos mag enroll noon ay kinabukasan ay pumasok na ako, syempre hindi ko pa alam kung saan ako papasok sa room kasi madaming room doon at nagtanong-tanong ako sa mga first year din kung anong section nila.  Ang section ko noon ay 1L ang pinagtanungan ko din noon ay 1L din,  ang pangalan niya si Aileen Andal, siya ang una kong naging kaibigan noong pasukan sa first kami, pero may iba pa akong nakilalang mga kaibigan ay si Aileen Andal. Siya ang una kong nagging kaibigan . Noong unang pasukan sa First year kami pero may iba pa akong nakilalang mga kaibigan, sila ay sina lyneth,maricrisat virrey. Sila ang mga kasama ko noon ,marami din akong pinag-daan at mga nakasalamuhang ibat-ibang ugali, lahat sila ay kinasasamahan ko ng maganda, at si Edna ang pinaka best friend ko simula nung Grade 6 hanggang ngayong highschool na kami.
JS namin
Ngayong 2nd year na ako masaya ako dahil sabi ko sa aking sarili na nahakbang nanaman ako sa isang level .Nag kaka crush na ako , madami na akong crush kasi nag dadalaga na ako ,tama lang na magustuhan ako ,at panibago na ulit  ang aking mga kasama nadami ang aking mga kaibigan pero naging malungkot ako ,nang biglang lumipat ang aking kaibigan nasi maricris kasi pangit daw ang pag tuturo dito sa Dizon kaya nagdedisyon siya na lumipat ulit sa city high . at binigay naman ang no. niya at hindi namin nakakalimutan ang isat-isa dahil madami narin  kaming pinag-samahan  ,katulad ni edna na matalik kong kaibigan .Naging maayos naman ang aking pag aaral noong 2nd year ako .
Ako at si Virrey
 Sumapit ang isang taon na magiging 3rd year na ako ,dito  marami akong naranasan , may ibat-ibang kaibigan na ulit akong nakasalamuha sila ay sina ate amor ,virrey,kryk ann at iba pa. Pero si kryk ann ang madalas kong makasama sa tanghalian  man o pag kaawas naming.Siya din ang pinag sasabihan ko ng mga problema,kaya nag papasalamat ako sakanila dahil mern akong mababait na kaibigan.Ngayong 3rd year n ako nagging dalaga na talaga dahil nagkaroon na ako ng menstration ,ang edad ko noon ay 15 na akoako at buti hindi ako nagkaroon sa school sa bahay lang po at lalong dumami ang cush ko at kaklase ko pa pero hindi niya na may gusto ako sa kanya nung unang pasukan at nung tumagal na`y pala cutting na  pala akang crush ko.Pero nawala din yung pagtingin ko sa kanya ,at pinagbutihan ko pa lalo ang aking pag aaral .
Fieldtrip namin
Ako at si Jame
Ang pinaka Masaya na naranasan ko mnung 3rd year  noong nag fieldtrip kame   tatlo lang ang sumama sa babae ang lalaki ay madami sila at ang saya saya ko dahil first time kong sumama sa fieldtrip naming, at nong tumang hali kumaen kami sa Jollibee kasama naming ang mga guro naming nasi mam quaquin at mr. esquevas ang bait nilang guro dahil nakikisalamuha sila sa amin,kasaby naming sila ng kumain .At pagkatapos kumain naggala naman kami ,sumakay kaming kaklase at doon pala ang nag teteping ng mga artista kina doctor Jose Rizal na bahay at kung saan siya pinatay ang sarap sumakay sa  kalesa mag kakasama kaming lima kasama sina sir esquevias at pag katapos nag gala ng konti at kinagabihan ay papauwi  na kami .
JS namin
Dumating ang taon at 4th year na ako na makasalamuha pa ang ibang tao at nakahanap ako  sila ay sina Marjorie, rosemarie,jamesukla sila ang nagging mga kaibigan ko ngayon.Sa una palang kala ko na mataray sila pero nung  nakilala ko na sila narealize ko na  ang babait pala nila sa akin  at palasaya ,makulit ,palabiro at mapagbigay sa kapwa.
At nung tutulungan kami pag may project kami o assignment kaming 4 ang mag kakasama para lahat merong project nakakatuwa nga sila dahil nakikioperate ang lahat .lalo na nung nakilala naming si sir escala  sa unang tingin ko sa kanya seryoso mataray pero nang makilala na,in sya lumapit ang loob naming sa kanya  dahil sya ang adviser naming na mabat ,at hindi kami pinababayaan nya sa oras nang aming mga pangangailangan .
Si Roze at si Sir Ecscala
Dumaan ang fieldtrip ang saya maging ang christmas party kami padin ang mag kakasama  at maging ang valentines day ay sabay sa JS prom  sana patuloy parin ang aming pag kakaibigan  at dito nagtatapos ang aking talambuhay  .

Ang Talambuhay ni John Darell Alimagno


     Ako ay si John Darell A. Alimagno. pinanganak noong ika-6 ng Marso taong 1996.Ako ay 16 taong gulang. Nagaaral ako sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High school at nagaral ng elementarya sa Placido Escudero Memorial School sa bayan ng Sta.Elena kung saan ako nakatira. Ako ay 4th year high school na ngayon at naging maayos naman ang pagaaral ko.Kami ay apat na magkakapatid,pangatlo ako ako sa amin.Ang panganay ay si Lady Suzette Alimagno, ang pangalawa naman ay si Princess Jade alimagno at ang bunso naman ay si Niel Henry.Ang ate ko na panganay ay tumigil muna sa pagaaral dahil sa hindi na kinayang suportahan ng nanay at tatay ko pangkolehiyo nito kaya ngayon ay nagtatrabaho siya s Sta.Rosa sa isang kainan .      
Ang pangalawa naman ay nagaapply na rin para magtrabaho.Ang aking ama naman ay si Edmundo Alimagno isang mazon sapat lamang ang kinikita niya pra sa amin kaya kung minsan ay hindi na lamang ako nagsasasama sa mga camping o kaya ay pagtitipon na kinakailangan ng malaking halaga.Ang aking ina naman ay si Irene Alimagno nawalan na siya ng trabaho noong ako ay grade 5 pa lamang.Nagsarado kasi yung pinagtatrabahuhan niyang factory kaya ngayon siya ay nasa bahay ma lamang .Sa Sta.Elena ay maayos kaming namumuhay.Maliit lamang ang aming bahay at ang lupa na kinanatatayuan ng aming bahay ay sa aming lolo na pinamana sa aming ama.Lampas ng sampung taon na kami sa aming bahay.Wala na akong lolo at lola dahil patay na ang mga magulang ni tatay at nanay .Noong bata pa ako ay ipinaampon ng nanay ko ko si Niel Henry ang aking kapatid sa aking tita dahil  wala pa itong anak ,doon na siya lumaki pero tinuturing nya rin kaming tunay na pamilya siya ay gagraduate na ng elementarya sa San Pablo Collages.Pinaampon niya si niel  dahil alam niyang mas magiging maganda angkanyang buhay at mas maiibibigay sa kanya ang gusto niya .Minsan ay binibisita namin siya sa kanilang bahay.
                      Kahit noong bata pa ako ay mahilig na ako sa musika at madalas akong makinig dito.Hangang sa napagisipan kong magaral na gumamit ng instrumento .Napili ko ang paggigitara.Halos hindi ko na bitawan ang gitara paghawak ko ito.Nakagawian ko na itong pangpalipas ng oras,kung minsan naman pag wala akong magawa sa amin ay nalabas ako ng bahay at natambay sa bahay ng aking kabarkada at doon kami nagkekwentuhan.Dito naman sa school ay marami rin akong naging kaibigan.Nagbuo kami ng isang banda,nakakatugtog din naman kami sa school kapag may concert .Matagal ko ng pangarap ang makatugtog sa stage sa harap ng maraming tao at awa naman ng diyos ay natupad din ito.Ako ay nabibilang sa seksyong Galilei.Ang aming tagapayo ay si Mr.Elmer Escala siya ay magaling at mabait na guro siya ay totoong tinatawag na advicer dahil lahat ng sinssabi niya ay tama at para rin mapaunlad ang aming sarili.
            Madalas paguwi ko galing eskwela ay nagbabasa ako ng kwento sa libro o kayay sa diyaryo.Pero pagtungkol na sa aralin ay tinatamad na akong magbasa.Kaya naman baka mapalang pa ng aking pagtatapos dahil sa mayroon ako dalawang




delikadong subject pero pipilitin kong ayusin aty galingan sa delikado kong subject.Ayos din naman na naging tagilid sa subject na iyon para matutoakong maging responsable sa aking pagaaral.Noong ako ay 14 taong gulang ay mahilig akong pumunta sa nga ilog kasama ang aking mga kaibigan sa amin.Kada bakasyon ay hindi kami nawawala doon.Ang ilog na ito ay sa Brgy. Putol kabila ng aming brgy.Marami rin akong naging kaibigan doon.Maliban sa paglalangoy ay mahilig din akong magbasketball.Minsa ay napunta pa kami sa ibang lugar para makipag laro ng basketball.Natulong din naman ako sa mga gawaing bahay bago ako lumaba ay tintapos ko muna ang dapat kong tapusing gawain.Minsan ay natulong din ako sa pagluluto ni nanay ng kanyang mga paninda.Kada fiesta ay lagi kaming naghahanda pasasalamat nadin sa mga biyaya na ibinigay sa amin.Maraming tao kapag fiesta sa amin,maraming napunta sa peryahan at maraming palabas sa may court ng sta. elena.Lagi akong nanunuod ng mga palabas doon..Mayroon pang liga ng basketball kung saan kami nasali ng mga kaibigan ko.Noong isang taon ay nanalo kaming 2nd place sa liga sa amin.Nagpapaorder ang nanay ko ng puto at mga cake.Napaka dami ng naorder sa amin kaya naman umaga pa lamang ng bisperas ng pasko ay dapat nagsisimula na kami.Ganundin kapag bagong taon mas madami ang paorder kaya madaling araw pa lamang ng bisperas ay nagsisimula na kami.Ang kikita namin doon ay pinanghahanda namin sa noche buena at media noche ang mga natirang pera naman ay panggastos namin.Tuwing bakasyon ay napunta kami sa aming tiya sa pila laguna brgy.masico.Doon kam nagbabakasyon ng mga ate ko masaya sa lugar na iyon,mababait ang nga tao at walang kaguluhan doon.Kung saan saan ako nakakapunta.Mahilig akong maggala kaya kung saan saan ako nakakapunta.Mahilig din akong mamili ng mga damit kapag may pera.Gusto ko laging bago ang aking damit kapag may lakad pagmayroon na pambili.Nasama ako sa tatay ko sa trabaho.Naghahkot ako ng mga haloblocks ,naghahalo ng semento,naghahakot ng mga buhangin at nagaabot ng mga gamit ng tatay ko.Nakita ako dito dalawang daan kada araw.Yung pera noong nakarang bakasyon ay pinamili ko gamit sa pagpasok sa school.Mga bag at sapatos at notebook.Minsan pag may bayarin sa school ay ako na ang nagbabayad kapag nakakasama ako sa aking tatay.Dati ay inaalagaan ng nanay ko ang tiya niya na si lola urding sa bahay niya. Malaki ang bahay ni ni lola urding .Si nanay ang nagbabantay sa kanya.Pero nung umalis na siya papuntang canada ay ayaw na ni nanay na magbantay sa bahay ni lola.Ngayon ay walang nakatira doon.Ang tatay ko ay lumaki sa san anton, doon sila dati nakatira ng lola ko.Marami rin kaming kamaganak  doon kaya lagi kaming nabisita at napunta sa mga kamaganak namin doon.Ang mga kamaganak naman ni nanay ay malayo sa amin.Taga taguig sila kaya iilang beses pa lamang kaming nakakabisita sa kanila.Pero pagnapunta kami doon ay masaya naman kami nilang tinatanggap.Isa rin sa mga kaya kong gawin ay pagguhit  ng mga larawan o kya ay ibat ibang klaseng font.Minsan ay nagtatatoo din ako ng henna sa aking mga kabarkada.Siguro ay naman ko ang pagguhit sa aking ama ,kaso ay nangangatal na ang kanyang mga kamay dahil sa hirap ng trabaho kaya hindi na rin siya marunong gumuhit.Kaming tatlong magkakapatid ay marurunong gumuhit,ang aking isang ate ay nakapagguhit na sa dyaryo ng kanilang school.Magaling din umawit ang ate kong iyon.Kaso ay ayaw niyang magsasali at ipakita ang kanyang galing sa maraming tao dahil nahihiya sya.Dati nung ang nanay ko ay nagtatatrabaho pa sa factory ay maayos at hindi      
mahirap ang aming buhay.Naibibigay pa niya ang aming gusto,kaso nga lang ay nagsarado na iyon at inilipat sa davao.Hindi na sumama ang nanay ko doon dahil masyadong malayo at mapapalayo siya sa amin.Dahil doon si tatay lamang ang kasama namin.May trabaho din si tatay kaya pagdating ko sa bahay galing school ng alaskwatro ay magisa lang ako sa amin dahil ang dating pa ni tatay ay als singko.Natatakot din si nanay dahil walang gagabay sa amin dahil sa may trabaho din si tatay.Ngayon ay samasama kami kaso ay mahirap ang buhay dahil si tatay lamang ang nakayod.Ang ate ko namang panganay ay hindi naman natulong kina tatay at nanay at pansarili lamang ang iniisip.Nagkanda utangutang sila nanay dahil nagkasakit ang ate kong panganay kaya lagi akong absent noon sa klase kase walang pamasahe kasi uunahin siya at ang kanyang gamot.Gumaling na siya at nagtatrabaho kailangan niya ng perang pang apply noon kaya ang ibang pera na kinita ko sa pagsama sa tatay ko ay naibigay na sa kanya.Hindi naman ako galit sa kanya sana lang ay tulunagn niya ang maga magulang namin dahil siya ang panganay.
       noong bata pa ako ay may sakit ako sa puso,lagi akong nahihimatay noon at patpatin akong bata.Dahil sa aking sakit ay napilitan si nanay na patigilin muna ako ng pagpasok ng kinder garten.Hindi din nagtagal at nawala rin ang sakit kong iyon at pumasok na ako ng grade 1.Kahit ang aking guro ay ingat na ingat sa akin dahil baka bumalik ang aking sakit.Mabait ang aking guro noon.Siya ay si Gng. Masa.Noong bata pa ako ay gusto kong maging Engineer parin na rin sa tatay ko.Dahil iyon ang pangarap niya na hindi natupad.Kaso ngayon ay mahirap ang buhay at wala pang kasiguraduhan kung makakapasok pa ako ng kolehiyo.Gusto ko sanang magpulis kasp ay ayaw ni nanay.Sabi niya ay magisip na lamang daw ako ng ibang kurso na kukunin.Dahuil pag nakapag trabaho daw ang aking ate jade baka pagaralin ako nito.Siya lamang ang aking inaasahan na magpapaaral sa akin dahil dun sa isa kong kapatid ay walang aasahan.Angate Jade ko ang pinakamabait kong ate kahit lagi ko siyang inaaway ay 




ayu mabait parin siya sa akin.Lagi siyangmay pasalubong sa akin galing eskwela.Ngayon ay nagaapply na siya ng trabaho sa iasang kompanya.Dahil napatigil din siya ng pagaaral.Sabi niya ay pagnakapagtrabaho siya ay pagaaralin niya ako.Pagnakatapos ako ay si ate Jade ko naman ang aking pagaaralin at tutulungan ko sina nanay at tatay.Patitigilin ko na si tatay sa paghahanapbuhay at ipagtatayo ko sila ng magandang bahay.Dahil naghirap sila para maitaguyod kami kaya tama lamang na pagnakatapos na kami at may kaya na sa buhay ay dapat sila naman ang aming paglingkuran .Iaalis ko na sila sa masikip na lugar na tinitirhan namin ngayon.Pati narin ang mga kamaganak namin ay tutulungan ko.Maswerte ako at napunta ko at napunta ako sa  isang mabuting pamilya at hindi ako pinababayaan.Hindi katulad ng ibang bata na walang bahay at hinahayaang palabuylaboy sa lansangan.Kaya malaki ang aking pasasalamat at napunta ako sa mabuti na pamilya.Kahit pagod na si tatay sa trabaho ay tuloy parin siya kahit matanda.Kaya sabi ko sa kanya ay malapit na akong makapagtrabaho at titigil na siya sa pagtatrabaho at ako na lamang ang magtatrabaho para sa  kanila.Matanda na sina nanayat tatay.Kaya dapat sila ay nagpapahinga na lamang sa bahay.Marami akonhg pangarap sa kanila.Sana ay nandyan pa sila habang tinutupad ko isa isa ang mag pangarap ko para sa kanila kahit mahilig maglasing si tatay ay hindi niya kami sinsaktan katulad ng ibang ama ns nangbubugbog ng anak.Hindi niya nga kamo pinagbubuhatan ng kamay kahit mali ang aming ginagawa.Mahal na mahal ko ang aking pamilya kaya akoy nagsisikap para sa kanila.  

Tuesday, February 14, 2012

ANG TALAMBUHAY NI ANGELYN POPULI


                Ako po si Angelyn R. Populi, ipinanganak noong Agosto 26, 1995 sa Isla Verde, Batangas City. Ang mga magulang ko ay sina Gloria Populi at Rogelio Populi. Ako po ay 16 na gulang n. Kami ay nag-aral ng una at ikalawang baiting sa Bagong Pook Elementary School. Naninirahan kami sa Brgy. Vi-E, San Roque jr, San Pablo City. Tinapos naming ang pag-aaral ng grade 1 at grade 2, bumalik na kami ng Batangas upang magbakasyon kasama ang aking mga mgulang at kapatid. Pagdating namin sa bahay, lahat  sila ay maghanda, maraming inimbita sa bahay naming upang kumain. Pagkalipas ng ilang mga araw ay nalungkot ako, kasi aalis na ulit ang iba kong kapatid, pero tiniis ko yun dajil alam kong magtatrabaho sila at may pasok ang kanilang mga anak. Kinabukasan, nagsimula na ang pasukan, masyado akong kinabahan dahil bagong mukha na naman ang makikita, pero hindi naman ako nawalan ng pag-asa nakaya kong gawin ang lahat. Nag-aaral ako ng mabuti hanggang sa maging 4th year na ako. HUling pagtatapo ko ng Hayskul, Masaya lahat ang nararanasan ko ngayung hayskul may problema man pero nasosolusyunan ko naman. Pangara ko na maging isang HRM kaso nung malaman ko sa teacher ko an baka maging waiter lang ako dahil sa dami nang nag-aaply nito kaya hindi ko an lang ito ipagpapatuloy.